AHON Malapit na
Libreng app para sa may utang · Android

Huwag kang matakot. Hindi ka nag-iisa.

Ang AHON ay kasama mo sa pag-ahon mula sa utang. Ipinapakita nito kung alin ang uunahin, magkano ang ihuhulog, at kailan ka makalalaya. May gabay ka pa laban sa pananakot ng maniningil.

Home screen ng AHON: hulog ngayong buwan, pag-akyat sa bundok, at paparating na bayarin
LibreWalang bayad at walang subscription.
Sa telepono mo lamangWalang account, walang server. Gumagana kahit offline.
Taglish, English, BisayaSimple ang salita, malaki ang letra. Para rin sa matatanda.
Paano ito gumagana

Tatlong hakbang, mga tatlong minuto.

Listahan ng mga utang sa AHON
Hakbang 1

Ilagay ang kita, gastos at bawat utang

Isang tanong bawat screen. Kung hindi mo alam ang tubo, tatantyahin ito ng AHON mula sa natitirang hulog.

Plano sa AHON: pagkakasunod-sunod ng babayaran
Hakbang 2

Tingnan ang iyong plano

Snowball, Avalanche o Hybrid. Makikita mo kung alin ang uunahin, magkano ang ihuhulog ngayong buwan, at ang petsa ng pagiging debt-free.

Pagtatala ng bayad sa AHON
Hakbang 3

Itala ang bawat bayad

Isang pindot sa "Nagbayad ako." Bumababa ang natitira at umaakyat ka sa bundok, hakbang-hakbang.

Mga feature

Lahat ng kailangan mo para makaahon, sa iisang app.

Ginawa para sa totoong sitwasyon ng mga Pilipinong baon sa utang: credit card, online lending app, PayLater, SSS at Pag-IBIG, 5-6, at utang sa kamag-anak.

Malinaw na plano

Kinukuwenta ang pinakamabilis at pinakamurang paraan, kasama ang tubo. Kapag kulang ang kita, sasabihin din nito nang tapat at ituturo kung ano ang unahin.

Paalala sa due date

Makikita agad kung alin ang late, bukas na, o bayad na. May record ng bawat bayad.

Si Pareng J, ang iyong gabay

Sagot sa mga tanong gaya ng "Makukulong ba ako?" at "Ano ang gagawin sa demand letter?" Walang judgment.

Laban sa pananakot

Itala ang banta, tawag at screenshot sa Talaan ng pananakot. Alamin kung ano ang bawal sa maniningil ayon sa SEC MC 18 (2019).

Opisyal na contact at "Legit ba?"

Mga hotline mula sa opisyal na website ng mga bangko at app, at pagsuri kung na-flag ng SEC ang isang lending app.

Mga handang liham

10 sulat na mae-edit: pakiusap sa bangko, sagot sa demand letter, at hiling na itigil ang panghaharass. May calculator din ng totoong halaga ng utang.

Panoorin

AHON sa loob ng 60 segundo.

Mula sa paglista ng utang hanggang sa araw na makalalaya ka. Ito ang mismong app, walang dagdag na palamuti.

Kilalanin si Pareng J. Kapos din siya noon, kaya alam niya ang bigat ng gabi-gabing pag-aalala sa bayarin. Siya ang kasama mo sa app at sa Ahonserye sa TikTok at Facebook.

Privacy

Sa iyo lang ang impormasyon mo.

  • Walang account o loginHindi namin hihingin ang pangalan mo, account number, OTP o password.
  • Hindi kumokonekta sa internetHinaharang ng app ang lahat ng internet request. Walang data mong lumalabas sa telepono.
  • Hindi kami nagpapautangHindi lending app ang AHON, at hindi kami nagrerekomenda ng anumang utang.
  • May backup kang hawakI-save ang backup file kapag magpapalit ka ng telepono.
Si Pareng J sa loob ng app, sumasagot tungkol sa panghaharass ng maniningil
Mga tool sa AHON
Mga tanong

Mga madalas itanong

Libre ba talaga ang AHON?

Oo. Libre ang app at walang subscription. Walang ads na nag-aalok ng utang.

Lending app ba ito?

Hindi. Hindi nagpapautang ang AHON at hindi ito konektado sa anumang nagpapautang. Tinutulungan ka lang nitong magplano, magbayad nang maayos, at malaman ang iyong mga karapatan.

Ligtas ba ang data ko?

Sa telepono mo lang naka-save ang lahat. Walang account at walang server. Kapag na-uninstall ang app, mabubura ang data, kaya may Backup sa Settings.

Makukulong ba ako kung hindi ako makabayad?

Ayon sa Konstitusyon (Art. III, Sec. 20), walang makukulong dahil lang sa utang. May mga eksepsyon gaya ng tumalbog na tseke at panloloko. Ipinapaliwanag ito ni Pareng J sa loob ng app. Pangkalahatang impormasyon lang ito, hindi legal advice.

Kailan ito ilalabas, at saan?

Nasa beta testing ngayon para sa Android. Sumali sa listahan sa ibaba para maabisuhan ka kapag bukas na ang download.

Malapit na

Maging isa sa mga unang gagamit.

Ilagay ang email o mobile number mo. Aabisuhan ka namin kapag bukas na ang beta. Isang mensahe lang, walang spam.

Gagamitin lang namin ito para abisuhan ka tungkol sa AHON. Hindi namin ito ibibigay kahit kanino.